NAGING matagumpay ang idinaos na Gala night ng pelikulang Bomba (The Bomb) noong Biyernes, March 9. Present ang karamihan sa casts ng naturang pelikula na pinagbibidahan ni Allen Dizon at mula sa pamamahala ng batikang director na si Ralston Jover.
Ang naturang event ay bahagi ng Sinag Maynila 2018 na ginaganap sa walang SM cinemas. Bukod sa The Bomb, ang iba pang bigating mga pelikula na pasok sa Sinag Maynila ay ‘Aboni-mation’ ni Direk Yam Laranas, ‘El Peste’ ni Direk Richard Somes, ‘Melodrama/Random/Melbourne!’ ni Direk Matthew Victor Pastor, at ‘Tale of the Lost Boys’ ni Direk Joselito Altarejos
Nagsimula ito noong March 9 at magtatapos hanggang March 15.
Anyway, umani ng papuri ang pelikulang Bomba sa gina-nap na screening nito sa SM North EDSA. Maraming pumuri sa pelikula at bukod sa moviegoers, pati mga member ng entertainment media ay saludo sa galing dito ni Allen. Deserving talaga ang actor sa dalawang Best Actor na nakuha na niya so far, ang 33rd Warsaw International Filmfest at Dhaka International Filmfest.
Ang co-star din ni Allen na si Angellie Nicholle Sanoy ay pi-nabilib ang marami sa husay ng performance na ipinakita sa pelikulang ito. Pati na si Direk Rals-ton pinahanga rin ang marami sa kanyang mahusay na estilo sa paglalarawan ng pelikula.
Aminado si Allen na may halong kaba siyang naramdaman sa pelikulang ito dahil sa kabu-uan nito ay wala siyang dialogue, pipi or deaf-mute kasi ang papel ni Allen dito. “Hindi ko pa kasi ‘yun nagawa at isipin ko pa lang, parang ang hirap na ganoon na wala kang dialogue, action lang siya, facial expression, at mata lang. Bale, hindi maingay na pipi iyong character ko rito, kumbaga ay subtle lang.
“Actually, nag-enrol pa ako sa St. Benilde sa School for the Deaf, para sa tamang sign language at kung paano sila maki-pag-usap. Kasi dapat sakto lang at tama ang ia-arte mo at hindi iyong mag-i-improvise ka. Plus, sa shooting ay mayroon pa kaming sign language coach,” pahayag ng award-winning actor.
Ang Bomba ay tinatampukan din nina Kate Brios, Alan Paule, Sue Prado, Felixia Dizon, Joel Saracho, Tabs Sumulong, Lucas Dizon, at Romeo Lindain.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio