Tuesday , December 24 2024

P.9-M damo kompiskado sa hacienda (Para sa medical cannabis)

CAGAYAN DE ORO CITY – Tatlong kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, tinatayang P900,000 ng halaga, ang nakompiska sa skatepark sa Brgy. Macasandig sa lungsod na ito, nitong Sabado.

“The skatepark is being used as a front. Since last month, we’ve been receiving information about the rampant selling of marijuana in the area,” pahayag ni Senior Insp. Maricris Mulat.

Hindi itinanggi ng may-ari ng skatepark, na pansamantalang hindi binanggit ang pangalan, ang alegasyon na ginagamit ang lugar sa bentahan ng marijuana.

Aniya, bahagi siya ng Kingdom Filipina Hacienda, isang grupo na nagsusulong ng paggamit ng marijuana “for medical purposes.”

“Cannabis is our long term advocacy. Real optimum health can be achieved if we use it. We should not deprive people [of] its benefits,” ayon sa suspek.

Ang suspek ay nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na nagkaklasipika sa marijuana leaves, marijuana resin, at marijuana resin oil bilang ilegal na droga.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *