TODO-INIT ng sikat ng araw, pero wala man lang complain ang Bulakenyang Superstar na si Maine Mendozasa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga.
Si Maine kasi ay discovery ng EB kaya isinasama sa lakad ng tatlong matronang sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.
Napansin ng mga napupuntahang lugar ni Maine tulad ng sa San Isidro, Nueva Ecija na walang dalang alcohol ang dalaga na ginagawa ng iba pagkatapos makipagkamay sa fans.
Ang ibang artistang nakararating doon ay super maarte at kulang na lang sundan ng malaking bentilador para ‘wag mainitan.
Kakaiba si Maine sa mga ugali nila na nag-birthday noong March 3.
Sa rami ng napuntahang barangay ni Maine may ilang nagtanong kung tutulad ba sa siya sa tiyahin niyang naging gobernadora sa Bulakan, si Josie dela Cruz. Walang komento ang dalaga dahil ini-enjoy niya ang pag-aartista. Alam kasi niyang kapag sa politika tiyak dudumi ang imahe niya at pag-iisipan kung saan saan ba galing ang mga yamang tinatamasa niya.
SHARONIAN,
NAGHIHINTAY PA RIN
SA SHARON-GABBY
MOVIE
TOTOO nga yata ang kasabihang, first love never dies. Nadarama kasi ito ng mga Sharonian sa muling pagsasama ng kanilang idolong sina Sharon Cuneta at Gabby Concepsion sa isang TVC.
Masaya ang mga tagahanga dahil sa wakas nagbunga ang pagpepenetensiya ni Sharon na magpayat. Si Gabby naman ay nag-hit ang teleserye niyang Ika-6 Na Utos.
Maging si Sharon ay nag-klik ang pakikipagtambal kay Robin Padilla kaya marahil nagka-idea at lumakas ang loob ng product producer na kumuha sa dalawa.
Malaking suwerte ng mga tagahanga na libre nilang napanood ang muling tambalan ng dalawa. Ang hinihintay na lamang nila ay ang muling pagsasama ng mga ito sa isang pelikula.
JOHN AT SID,
POSIBLENG
MAGKA-ULCER
MAY mga nagtatanong, hindi kaya magkasakit ng ulcer sina John Arcilla at Sid Lucero dahil tuwing nag-uusap sa eksena ng Ang Probinsyano ay may hawak na kopita?
Laging umiinom ang dalawa sa tuwing mag-uusap. Kaya naman nangangamba ang mga televiewers sa posibleng maging epekto sa dalawa.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales