DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang tulak ng iligal na droga makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Manila Police District(MPD) kahapon ng madaling araw aa Binondo Maynila.
Ayon kay MPD Station 11 commander Supt Amanted Daro, Nagsagawa ng Buy bust operation ang kanyang Station Drug Enforcement Team(SDET) na nagresulta sa engkwentro dakong 1:50am na pinangunahan ni Sr/Insp Juel Capuz sa kanto ng San Miguel at Delpan Bridge sa naturang lugar.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Darwin 21-25 anyos tinatayang nasa 5’3 – 5’5 ang taas at nakasuot ng asul na sando, checkered na short habang ang isa namang si alyas Oscar 52-55 anyos 5’4-5’6 ang tangkad at may kalakihan ang katawan na nakasuot ng kulay puti na damit at grey short pants na kapwa patay na ng idating sa pagamutan dahil sa tama ng mga bala ng baril sa katawan makaraang makipagbarilan sa awtoridad.
Nauna rito, Napagalaman ng Station Intel unit na pinamumunuan ni Sr/Insp Edward Samonte ang talamak na bentahan ng droga sa nasabing lugar dahilan kayat nagsagawa ng Buy bust operation sa naturang lugar.
Kaugnay nito, Nagsagawa ng test buy ang awtoridad kung saan nagpanggap na Possuer buyer ang isang Po1 Allan Hilario, Sa gitna ng operasyon ng abutan ng iligal na droga ay natunugan ng suspek na si Darwin na parak ang kanyang ka-transaksyon dahilan ng pagpiglas nito.
Kasunod nito, “Kyah Oscar Pulis pala ito, Putukan mo” sigaw ng suspek na si Darwin habang ang suspek na si Oscar na nakatayo mula sa hindi kalayuan kay Darwin ay walang habas na nagpaputok ng baril laban sa Police Posseur buyer upang maitakas ang kapawa nito tulak ng droga.
Kaugnay nito, Pinaputukan rin ng suspek na si Darwin ang awtoridad na mabilis rumesponde at naka-kordon ilang metro lamang sa naturang lugar.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang mga suspek at nadiskubre ng awtoridad ang dalawang sachet ng shabu sa bulsa ni Darwin nang siyasatin ang bangkay nito sa pagamutan.
Narekober sa crime scene ang dalawang .38 revolver, dalawang loaded ammo at Walong basyo ng bala ng ginamit ng mga suspek sa pamamaril laban sa mga operatiba.
Nabatid na patuloy ang anti drug operation ng mga Pulis Maynila na naglalayon masugpo ang droga at maaresto ang mga drug suspek base na rin sa direktiba ni C/Supt Joel Napoleon Coronel District Director ng MPD.
(BRIAN GEM BILASANO)