Thursday , December 19 2024
butch Francisco

Butch, walang regular na trabaho pero nakabili ng condo

NAKAIINGGIT ang (dating) TV host na si Butch Francisco.

Wala mang regular job (bagama’t pinasok na rin niya ang pag-arte sa TV), sa halip na makita niyang unti-unting nababawasan ang kanyang naipon ay nakuha pa niyang bumili ng isang condo unit kamakailan.

Dinispatsa na kasi ni Butch ang kanyang unit sa uppermost floor sa condo building sa Greenhills, habang malapit na ring matapos ang ipinatayo niyang three-story corner lot residence sa New Manila.

Biro namin kay Butch, siya ang bukod-tanging kilala naming taong walang trabaho na nakabili pa rin ng bagong fully furnished condo unit sa bandang Eastwood, ”Dumalaw lang ako sa sister ko who owns a unit there, napabili na rin ako ng ‘di oras.”

Ikinonsidera ni Butch ang ilang advantages of such purchase. ”Kung iba-banko ko lang kasi ‘yung pera ko, it wouldn’t earn as much interest. Siyempre, nag-a-appreciate ‘yung value if you invest your money in real estate,”aniya.

Location din ang hinabol niya, ”Malapit sa lahat. May gym na roon at dahil member ako ng Manunuri (Urian), malapit lang din ang panooran ng sine.”

Samantala, ang bahay naman ni Butch sa New Manila ay traffic-free.

Natutulugan na niya ng ilang araw (pagkatapos ng isang simpleng house warming) ang kanyang kuwarto sa ikalawang palapag nito. May mga trabahante pa rin siya working na nagkakabit ng mga column sa ground floor.

Ito ang kuwentong medyo nakaka-touch. Late afternoon ‘yon nang usisain niya ang may anim na manggagawa sa gitna ng kanilang trabaho.

“Anong pagkain n’yo?” tanong ni Butch sa mga “constru” na nagdadala na rin ng kanilang gamit sa pagluluto at hilaw na pagkain para roon lutuin.

“Upo po, sir,” sagot ng isa. ”Anong sahog n’yo sa upo?” tanong ni Butch.

“Wala, sir. Basta igigisa lang naming ‘yung upo, ‘yun na po ‘yon,” pagkasabi sa kanya ng trabahante niyon ay umakyat si Butch. Nang bumalik, may dala na siyang ilang piraso ng longganisa na bigay ng kanyang ate mula sa kung saang probinsiya.

“Ito, i-partner n’yo na lang sa igigisa n’yong upo,” sey ni Butch.

Sa haba ng pakikipanayam niya sa mga trabahante natuklasan ni Butch na bawat isa pala sa kanila’y nagtsi-chip in ng tig-P12 kada meal. Ang New Manila residence ni Butch ay ilang tumbling lang mula sa Broadway Centrum na may supermarket sa loob. ”Naggo-grocery na rin ako para sa kanila. One time, binilhan ko sila ng isang lata ng luncheon meat. Imported pero magkano lang naman ‘yon?”

Nasabi tuloy namin kay Butch, mayroon kaming pagkakapareho pagdating sa pakikitungo sa uring manggagawa. Ang kaibahan nga lang, column sa diyaryo ang mayroon kami, hindi (structural) column sa isang marangyang bahay.

 HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *