Friday , April 18 2025
Duterte narcolist

9,000 barangay chairman nasa narco-list ni Digong — DILG (‘Narco-list’ ikinabahala ng barangay officials)

UMAABOT 9,000 ba­rangay chairmans ang nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa opisyal ng Department of the Interior and Local Government, nitong Sabado.

Inihayag ito ni Martin Diño, ang department undersecretary for barangay affairs, dalawang buwan bago ang halalan sa barangay at Sangguniang Kabataan elections, at binalaan ang mga barangay chairman na “wala nang forever sa barangay.”

“Desidido si president. Hawak niya 9,000 na barangay captains directly involved 9,000 na kapitan. Definitely gagalaw na ang DILG most especially sa issue na ‘yan,” aniya.

Sinabi ni Diño, dating barangay chairman, ang mga opisyal na sangkot sa droga ay sisibakin sa puwesto.

“Hindi lang ilalabas, tatanggalin ko na lang sila, mas gusto kong makasuhan, mabulok sila sa kulungan dahil, unang-una, pinagkatiwalaan sila ng mga tao tapos ganito gagawin nila, magmamalabis sila,” aniya.

Ang anunsiyo ni Diño ay makaraan ihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director Aaron Aquino na mayroon halos 300 barangay officials ang sangkot sa ilegal na droga.

Binalaan din ni Diño ang barangay officials na mabibigong magsumite ng kani-kanilang barangay drug watch-lists sa 21 Marso, idiniing ito ay mandatory.

“Tama ang ating chief of PDEA. Ang mga hindi magsa-submit dito, ‘yung mga directly involved. Kailangan within a week mag-submit sila kung hindi sila magsa-submit, warning. On the second week, suspension na. On the third week, subject for removal from office,” aniya.

Ang lahat ng barangay chiefs ay inutusan din magsumite ng inventory ng kanilang barangay’s supplies and equipment upang ma-monitor ng DILG ang paggamit ng kanilang public funds, diin ni Diño.

‘NARCO-LIST’
IKINABAHALA
NG BARANGAY
OFFICIALS

UMAPELA ang ilang pinuno ng mga barangay sa Metro Manila na tiyaking may batayan ang listahan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ng mga barangay chairman na umano’y sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga.

Ayon sa ulat, nangangamba ang ilang opisyal ng mga barangay dahil posible umanong samantalahin ang bintang sa kanila, lalo’t nalalapit na ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.

“Kung ilalabas nila ‘yong narco-list na ‘yon, wala naman substantial evidence… parang trial by publicity ang mangyayari,” ayon kay Alvin Mañalac, chairman ng Barangay Tinajeros sa Malabon.

“Masakit isipin na involved sa droga ang isang leader,” pahayag ni Rolly Cebu, ex-officio ng Barangay 176, North Caloocan.

Habang para sa iba, dapat ilabas ang naturang listahan bago ang halalan sa Mayo.

“Iyong natatakot ka, may kasalanan ka,” sabi ni Elpidio Bunag, chairman ng Brgy. Sta. Lucia sa Pasig.

Noong Sabado, ibinunyag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño, 9,000 ang bilang ng mga barangay captain na nasa “narco-list” ng pangulo.

Samantala, iginiit ng DILG na dumaan sa verification process o proseso ng pagpapatunay ang listahan.

Dapat din umanong tugunan ng mga tatakbong barangay official ang problema sa droga sa kani-kanilang mga nasasakupan.

“Kapag talagang napakaraming drug addict sa barangay mo, may problema ka, ikaw mismong kapitan,” ani Diño, ang undersecretary for barangay affairs.

Nauna nang nanawagan si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief, Director General Aaron Aquino na huwag iboto ang mga sangkot o protektor ng ilegal na droga sa mga lokal na pamahalaan.

Dagdag ni Aquino, nakikipag-ugnayan na sila sa DILG para suspendehin o kasuhan ang mga opisyal ng barangay na umano’y sangkot sa droga.

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *