MAYORYA ng mga Filipino ang pabor sa legalisasyon ng diborsyo sa bansa para sa mga mag-asawa, ayon sa survey na isinagawa ng social-research institution.
Umabot sa 53 porsiyento ng adult Filipino ang suportado sa divorce law para sa naghiwalay na mga mag-asawa na imposible nang magkasundo, ayon sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong 25-28 Marso, at 8-16 Disyembre 2017.
Ayon sa survey sa halos 9 months coverage, 30 porsiyento ng mga Filipino ang “strongly agree” sa divorce law, habang 23 porsiyento ang “somewhat agree.”
Habang 32 porsiyento ang “disagree” sa nasabing batas, nagtakda sa “net agreement” sa plus-21.
Ayon sa SWS rates sa net agreement hinggil sa isyu, o sa “difference between the percentages of those who agree and those who don’t,” bilang “moderately strong.”
Inilabas ang resulta ng nasabing survey nitong Biyernes makaraan isumite ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa plenary deliberations ang panukalang naglalayong gawing legal ang diborsiyo sa bansa.
Ang Filipinas ang isa sa dalawang estado sa mundo, bukod sa Vatican, na hindi pa legal ang diborsiyo. Ang annulment ay legal, ngunit ang proseso ay umaabot hanggang dalawang taon at P250,000 ang gagastusin.