Tuesday , December 24 2024
road accident

1 sugatan sa jeep vs pick-up sa Kyusi

SUGATAN ang isang 60-anyos lalaking pahinante ng jeep nang masalpok ng pick-up truck ang nasabing sasakyan sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, nitong madaling-araw ng Linggo.

Kinilala ang biktimang si Benito Aguba, pahinante ng jeep na magde-deliver ng saging galing probinsya ng Quezon tungo sa Balintawak.

Ayon sa kuha ng CCTV, binabagtas ng pick-up ang Biak na Bato Street, nang sumalpok sa jeep na tinatahak ang Cuenco Street.

Ngunit iginiit ng driver ng jeep na si Crispin Donatos na siya ang nasa Biak na Bato Street nang biglang masalpok ng pick up.

Tumangging magbigay ng anomang pahayag ang driver ng pick up na kinilalang si Archimedes Aguilar, 24 anyos.

Dinala sa East Avenue Medical Center si Aguba dahil sa mga sugat sa ulo at katawan matapos maipit sa tumagilid na jeep nang halos isang oras.

Patuloy ang imbestigasyon ukol sa insidente, ngunit ayon sa QC Traffic Sector 1, base sa nakita sa CCTV, dapat parehas na nagmenor ang jeep at pick-up lalo pa’t intersection ang dinaanan nila.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *