Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali Miguel Tanfelix
Bianca Umali Miguel Tanfelix

Tambalang Miguel at Bianca, tinalo ang isang sikat na loveteam

TOTOONG walang malaki ang nakapupuwing, parang David and Goliath lang ang peg.

Ang OA naman din kasi ng pralala ng ABS-CBN tungkol sa ratings ng nagtapos nang La Luna Sangre na consistent na tinalo ang katapat nitong Kambal Karibal mula sa simula.

May mga weeknight pala kasing nauungusan ng teleserye nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bagama’t mabibilang lang sa daliri ang mga gabing ‘yon, the mere fact na nakapuwing sila ng isa nang established loveteam is more than an achievement.

Sa kabila nito, pinabibilib kami ni Miguel sa kanyang kababaang-loob. Ina-acknowledge kasi niya ang malakas na KathNiel pull sa mga manonood.

Gayunman, hindi raw ‘yon dahilan para maging complacent o petiks-petiks ang ginagawa nilang trabaho ni Bianca sa KK. All the more pa ngang pinagbubuti nila ang bawat episode.

Maaaring sabihing no comparison sa dalawang bagets loveteams, at totoo naman. Between the two ay milya-milya ang distansiya ng KathNiel sa Bianca-Miguel, but the latter is putting up a good fight.

Isang mas matindi pa sanang TV assignment ang maipagkaloob sa dalawang ito, at they will sure give other young pairings a run for their money.

Kaya kumilos sana ang mga henyo sa creative department ng GMA!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …