Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, hinuhusgahan ang kaalaman sa pag-arte

LATAY!

‘Yan ang pisikal na marka kapag nabugbog ka o sinaktan. Pero ang ‘latay’ ay nagmamarka rin mula sa mga hindi magagandang pananalita o pakiwari na ibinabato sa ‘yo. ‘Yun bang nanghuhusga!

Si Mariel de Leon ang maka­kasama nina Allen Dizon at Lovi Poe sa ika-14 pelikula ng BG Producrions International ni Baby Go, ang  Latay na kasama sina Snooky Serna Soliman Cruz, Vincent Magbanua, Romeo Lindain, at Lady Diana Alvaro.

Tuwang-tuwa ang producer kay Mariel. Nag-story conference at reading kasi ang cast.

Nang ibalita na ang kasunod na pelikula ni Mariel pagkatapos na maging leading lady siya ni Coco Martinnoong MMFF, ayan na ang mga pagpula at pagkuwestiyon sa dilag nina Sandy Andolong at Christopher deLeon. Lalo na sa pag-arte. Na para bang ang huhusay ng mga pumapansin at may karapatan silang humusga.

Kung walang “K” si Mariel, hindi siya isa-sign up ni Leo Dominguez sa kanyang kuwadra. At hindi siya pagkakatiwalaan ni direk Ralston Jover na siyang makaka-eksena nina Allen at Lovi sa pelikula.

Kayo naman! Kaya nga nagdi-develop ng artists, eh. ‘Wag na mang-okray!

(Pilar Mateo)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …