Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baron, wala ng pag-asang magbago

SA halip na umani ng pagmamalasakit at pag-alala si Baron Geisler mula sa mga netizen ay pagkasuklam ang inabot niya.

Ito’y makaraang maaresto ang aktor kamakailan ng mga operatiba ng Angeles City Police dahil sa umano’y pagwawala niya sa bahay ng kanyang kapatid at bayaw, kaya naman binugbog siya ng huli.

Sa paunang ulat, kung hindi mo pa nalalaman ang ugat ng gulo’y awa agad ang iyong mararamdaman sa sinapit ni Baron in the hands ng mismong kaanak niya. Mabilis kang magko-conclude na ano ba ang ginawa ng kanyang kapatid na si Grace habang nakikitang binubugbog ang kapatid, nakatunganga lang?

Pero sa isang banda rin, kung kilala mo si Baron na nasangkot na sa halos ‘di na mabilang na gulo—mapa sa kapwa niya aktor o ordinaryong tao—hindi mo na kailangan pang magsaliksik.

Stigma ang tawag doon. Mahirap na kumawala si Baron sa stigma na siya rin ang may gawa, lalo na’t lahat ng mga gulong kinapalooban niya’y may kinalaman sa kawalan niya ng wisyo dulot ng sobrang pagwawalwal.

At sa halip ngang makatagpo si Baron ng kakampi sa katauhan ng kapatid na si Grace ay ito pa ang nagdiin sa kanya.

Maraming rebelasyon si Grace tungkol sa mga asal ni Baron na lampas na sa guhit ng katinuan at pagka-normal na inaasahan sa isang tao. Sukat ba namang ang ina na nakaratay na nga sa hospital bed ay nakuha pang pagbuhatan ng kamay ni Baron?

Sukat ba naman ding pati pamangkin niya (anak ni Grace) ay binobosohan umano niya? Sino namang ama ang papayag ng ganoon? Eh, ‘di nakatikim siya sa bayaw niya nang ‘di oras!

Without apologies pero tahasan naming sasabihing isa nang hopeless case si Baron Geisler na ang buhay ay patapon na!

 HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …