Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Sikat na aktres, napagsasabay ang dalawang tivoli royale

DATI namang nakikipagrelasyon ang sikat na aktres na ito sa mga lalaki, pero ewan kung bakit mas bet niyang kaulayaw ang mga tibambam (read: lesbiyana).

Kuwento ito mismo ng dating namasukan sa kanya, “’Day, saksi ako sa lahat ng mga ganap sa buhay ng amo ko. Impernes, wala akong masasabi sa kabaitan niya. Ni minsan, eh, hindi niya ako minaltrato o pinagmalupitan. Basta, isa lang ang hinihingi niya sa mga kasambahay niya…dapat marunong kang magtago ng mga lihim niya sa buhay!”

Ang lihim na tinutukoy ng aming katsika ay nang minsang pagsabayin ng amo niyang aktres ang dalawang Tivoli royale, “Taga-showbiz ‘yung isa, tapos negosyante naman ‘yung pangalawa. As in naatim niyang pagsabayin ang pakikipagrelasyon niya sa dalawang Mrs. Real, este, sa dalawang tiburcio na ‘yon!”

Ang nakabibilib pa raw ay walang kaalam-alam ang dalawang lesbiyanang ‘yon na sabay silang karelasyon ng amo niya.

“Eh, gawin ba naman akong kakuntsaba ng amo ko, ‘no! So, natuto rin akong magsinungaling sa kanilang dalawa. Kapag tumawag sa akin ‘yung isa at hinahanap ‘yung amo ko, sey ko, ‘Ay, kanina pa po natutulog,’ pero saan ka, naglalamyerda kasama ‘yung isang dyowa niyang syomboy!”

Da who ang aktres na ito na ang haba-haba ng hair? Itago na lang natin siya sa alyas na Celia Sorpresa.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …