Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kikay Mikay
Kikay Mikay

Kikay Mikay, humahataw sa mga movie project!

SUNOD-SUNOD ang pinagkakaabalahan ngayon ng ta-lented at cute na child actress na sina Kikay Mikay. Ngayon ay patuloy ang pagdating sa kanila ng indie films. Kabilang sa mga movie projects na ito ang Tales of Dahlia at Susi.

Sa pelikulang Tales of Dahlia ay kasama ng dalawang ba-gets sina Ronwaldo Martin, Lotlot de Leon, at iba pa, directed by Moises Lapid. Ang Susi naman ay mula sa pamamahala ni Baui Arthur. Nabanggit din sa amin ng Mommy Diane ni Kikay na itinanghal na grand champ-ion sina Kikay Mikay sa Valiant’s Cup Got Talent recently.

Sa tsikahan naman namin sa dalawa, sinabi nila ang wish na maging part ng TV series ng GMA-7 na Kambal Karibal nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Pahayag ni Kikay, “Wish ko po na makapasok kami sa Kambal Karibal at makatrabaho ko sina Bianca at Kyline, dahil kung dati ay pinapanood ko lang sila, sobrang magiging masaya po ako kapag makakatrabaho ko na sila. Mae-excite po ako kapag nangyari iyon at hindi ako kakabahan, sobrang magiging masaya po ako. Minsan po, kami ni Mikay, ginagaya namin ang acting nina Bianca at Kyline.”

Hindi ka ba kakabahan sakaling makatrabaho mo sina Bianca at Kyline?

“Hindi naman po, kasi iyong dati na pinapanood lang namin sila, ta’s ay makakatrabaho na namin, so mas mae-excite po talaga at magiging happy kami sakaling bigyan kami ng chance na makatrabaho sila,” saad naman ni Mikay.

Sina Kikay (9) at Mikay (12) ay under contract sa Viva Artists Agency. Sila ay naging bahagi ng mga pelikulang Sikreto sa Dilim at Field Trip at humahataw sa kaliwa’t kanang shows ngayon.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …