Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Gonzaga Krem-Top

Alex Gonzaga proud maging endorser ng Krem-Top

ANG Kapamilya aktres na si Alex Gonzaga ang latest addition sa mga endorser ng Krem-Top. Kasama na ni Alex ang da-ting endorsers nito na sina Joshua Garcia, Ronnie Alonte, at Iñigo Pascual.

Ipinaha-yag ni Alex ang labis na kasiyahan na maging endorser nito dahil ayon sa aktres, tumanda na siyang gina-gamit ang Alaska pro-duct.

“Siyempre sobrang masaya, kasi alam ninyo parang kapag coffee creamer talagang Krem-Top isa sa papasok iyan. So, never in my life… and alam naman natin na kapag Alaska product e mula bata pa kami, iyong bata ng Alaska ay naging dyowa ko na iyon,” pabirong saad ni Alex.

Pagpapatuloy pa niya, “Parang lagi ko na iyong nakakasama sa pag-grocery, tumanda na ako with Alaska. So, the fact na I’ll be part of Alaska product and Krem-Top pa, isa sa mga sikat at talagang binibili… actually ako, given a chance, kapag magko-coffee ako ay talagang Krem-Top ang ginagamit ko as creamer.

“So siyempre, why not talaga? Very honored and very proud talaga to be part of this big brand.”

Sinabi rin ni Alex na mahilig talaga siya sa kape.

Wika ng younger sister ni Toni Gonzaga, “Ang coffee kasi sa akin, dahil energetic na ako, kapag nasa trabaho ako, gina-gamit ko talaga iyan sa umaga. Kasi, hindi ako morning person.

“So, dalawa lang ang gamit ko ng coffee, pang-energize sa umaga at saka kapag sobrang madaling araw na kapag inaantok na, kapag nasa trabaho ka. So, part talaga siya ng aking life,” ani Alex.

Ginanap ang pag-welcome kay Alex at pagpapakilala bilang endorser ng Krem-Top last March sakay ng Krem-Top van sa Bonifacio Global City, Taguig. Bukod sa pagiging TV host at actress, si Alex ay video blogger din na gagamitin ng endorsement niyang ito para mas ma-promote ang kanilang produkto.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …