Saturday , November 16 2024

11 Aegis Juris fratmen inasunto sa Atio Castillo fatal hazing

INIREKOMENDA ng Department of Justice ang paghahain ng kaso laban sa 11 miyembro ng Aegis Juris fraternity bunsod ng kanilang pagkakasangkot sa fatal hazing kay University of Santo Tomas law student Horacio “Atio” Castillo III noong Setyembre 2017.

Hindi kabilang ang homicide charges sa inirekomendang isampa laban sa mga akusado, ayon kay DOJ Acting Prosecutor General Jorge Catalan, Jr., nitong Huwebes.

Sa 49-page resolution na may petsang 6 Marso, sinabi ng DOJ na may nakitang probable cause para sampahan ng kaso ang 10  Aegis Juris members bunsod ng paglabag sa Anti-Hazing Law

Kabilang sa mga kinasuhan sina Arvin Balag, Ralph Trangia, Oliver John Audrey Onofre, Mhin Wei Chan, Danielle Hans Matthew Rodrigo, Joshua Joriel Macabali, Axel Munrio Hipe, Marcelino Bagtang, Jose Miguel Salamat, at Robin Ramos.

Inirekomenda rin ng DOJ ang paghahain ng kasong perjury at obstruction of justice kay John Paul Solano.

Ang mga kaso laban sa 10 iba pang akusado at sa Aegis Juris Foundation ay ibinasura bunsod ng kawalan ng probable cause, habang ang kaso laban kina UST Law dean Nilo Divina at law faculty secretary Arthur Capili ay idinismis bunsod ng kawalan ng sapat na ebidensiya.

Ang kaso laban kay Mark Anthony Ventura, nasa ilalim ng witness protection program ng gobyerno, ay ibinasura rin.

Gayondin, inirekomenda ng DOJ ang further investigation sa 10 iba pang miyembro ng fraternity upang mabatid ang kanilang kaugnayan sa krimen.

Ang mga akusado ay haharap sa criminal complaints para sa murder at paglabag sa Anti-Hazing Law na inihain ng pulisya noong 25 Setyembre 2017.

Si Castillo ay binawian ng buhay dahil sa “severe blunt traumatic injuries” makaraan dumalo sa “welcoming rites” ng Aegis Juris Fraternity.

Ang nasabing trahedya ay naging dahilan nang muling pagtalakay sa hazing, nagresulta sa imbestigasyon ng Senado, at humantong sa pagpapatalsik sa walong UST law students.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *