Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa bunkhouse na nag-collapse; Contractor lumabag sa safety standards — DoLE

CEBU CITY – Ang employer ng mga construction worker na namatay sa pagguho ng bunkhouse sa lungsod nitong Martes, ay lumabag sa safety and health standards, ayon sa imbestigasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Umabot sa lima katao ang namatay habang maraming iba pa ang nasugatan makara­an gumuho ang 5-story bunkhouse sa Archbishop Reyes Avenue.

Ang J.E. Abraham Lee Construction and Development Inc., ay lumabag sa ilang probisyon ng general labor and occupational safety and health standards, ayon sa resulta ng imbestigasyon ng labor department’s arm sa Central Visayas.

Sinabi ng labor department, ang construction firm ay walang accredited safety practitioner, DOLE-approved construction safety and health program, structural analysis ng temporary structure, at suitable living accommodation para sa kanilang mga mangggawa.

Nabatid din ng labor inspectors na ang ilan sa mga construction worker ay hindi binabayaran ang overtime work at night shift differential.

Bukod pa ito sa underpayment sa anim construction workers.

Sinabi ni DOLE Central Visayas officer-in-charge Cyril Ticao, ang inilabas na findings ay preliminary pa lamang dahil hindi pa nakakausap ng ahensiya ang iba pang mga construction worker.

Kinausap na si Abraham Lee, presidente ng construction firm, ng labor officials nitong Mi­yer­koles, ngunit tumangging magbigay ng pahayag hinggil sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …