Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korean Rating Board, gustong gayahin ni MTRCB Chair Arenas

NAGKAROON kami ng pagkakataong makatsikahan isang umaga si  MTRCB Chairman Rachel Arenas kasama ng ibang miyembro ng SPEEd, samahan ng mga entertainment editor , at naikuwento nito ang ukol sa natutuhan niya sa pakikipag-usap sa chairperson ng Korean Media Rating Board.

Ani Arenas, iba ang proseso ng pagka-classify ng mga pelikula at TV show sa Korea dahil mayroon silang sub-committee na nagre-review.

Dahil dito naisip niyang posibleng gawin o i-adopt ito sa ‘Pinas na bibigyan din ng assignment ang mga MTRCB deputies para lahat ng mga palabas (free TV at cable) ay matutukan, gayundin ang mga pelikula lalo na sa mga sinehan na patuloy pa ring lumalabag sa panuntunan at regulasyon ng MTRCB.

Isa na siyempre rito ang pagpapapasok ng mga bata sa mga “for adults” movie.

Kuwento pa ng chairwomen, bukod sa mga pelikula at TV show, inire-rate rin sa Korea ang mga video game.

“There was so much to take in especially in preparing MTRCB for the full impact of DTT (Digital Terrestrial Television), there will be too many programs to rate by then, and with just a board of 30, we have to start thinking of ways under the law how to get it done. Just thinking aloud, maybe we’ll have to enlist the help of our deputies,” dagdag pa ni Arenas.

Mag-i-isang taon na si Arenas sa pagiging chairman ng MTRCB at layunin pa rin niya tulad ng nasabi na niya noon na mai-implent ang rules ng agency  na walang masasagasaang artistic freedom. ”And in terms of the programs I inherited from the past chairmanship, my mantra has always been, ‘If it ain’t broke, don’t fix it.’ Just continue, enhance and improve it,” giit pa nito.

Aniya pa, ”We’re now proceeding in a single direction, and the strength of this board is the very fact that iba-iba ‘yung pananaw nila so we can continue to trust in a balanced review.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …