Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mocha, nabuking na may senatorial ambition

MISMONG si PCOO ASec Mocha Uson na rin ang nagkakanulo sa kanyang sarili sa paulit-ulit niyang pahayag na wala siyang ambisyong tumakbong Senador sa May 2019 mid-term elections.

May emote kasi si Mocha na kesyo hindi naman siya isang abogado. Alam naman ng taumbayan na karamihan sa mga mambabatas—even in the Lower House—ay mga nagsipagtapos ng abogasya.

Dagdag na hanash pa ni Mocha, ano ba ang kuwalipikasyon niya para sa nasabing elective post gayong isang hamak na sexy dancer lang naman siya rati?

Pero kung inaakala ng madlang pipol na pag-amin ‘yon ng kakapusan ni Mocha, don’t look now. Sa kanyang blog ay mayroon siyang pa-survey kung sino sa kanila ni Senator Bam Aquino ang nais ng taumbayan na umokupa sa puwesto (in Aquino’s case, reelectionist siya).

Halatang “color-coded” ang survey, Senator Aquino being obviously identified among the Dilawans na binabanatan ni Mocha.

Paano maipaliliwanag ni Mocha ang kawalan niya ng political agenda kung sa mismong blog niya’y may pa-survey-survey pa siyang nalalaman?

Sino ba ang followers niya, hindi ba’t mga maka-administrasyon? Natural, hindi na kailangan pang i-tabulate ang magiging resulta ng mismong survey niya as the very respondents ay mga kapanalig niya at hindi ni Senator Aquino!

Sa bandang huli, consistent pa rin si Mocha na marami pa ang posibleng maganap between now and 2019, kaya hindi siya nagsasalita ng tapos.

So there. Eh, ‘di bukelyang mayroon siyang senatorial ambition…o ilusyon?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …