Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kitkat, happy sa kuwelang tandem nila ni Jodi sa Sana Dalawa Ang Puso

MASAYA si Kitkat sa seryeng Sana dalawa Ang Puso dahil kuwela ang tandem nila ng lead actress nitong si Jodi Sta. Maria. Gumaganap siya rito bilang si Leb, ang kinakapatid at bestfriend ni Mona (Jodi).

Saad niya, “Masaya lang at lagi akong trending as Leb sa Sana Dalawa Ang Puso nang dahil sa blush-on ko, hahaha! Iyong rating namin mataas din po and lagi rin pong number-1 spot sa Twitter.”

Dagdag niya, “Maganda po ang reviews sa akin sa role ko po at bagay nga raw kami ni Jodi (Mona) na tandem. Kaya po lalo akong ginaganahan umakting at mag-taping, walang pagod-pagod na nararamdaman. Inspired din ako bumili ng outfit, at mga headbands ni Leb… pati blush-on pinagkakaabalahan ko, nagpapa-games pa ako sa madlang pipol at ang prize blush-on din.”

Nabanggit pa niya kung gaano ka-swak ang trabaho nila ni Jodi.

“Super close po kami, plus talagang jive na jive po kasi kami pati po sa acting…. ‘Pag reading ng script or rehearsals, automatic sa amin, may tinginan po kmi na gets na namin, lalo ‘pag umaakting na. Ang sarap, kasi ang galing lagi ni Jodi, tapos ang gaan-gaan ng aktingan namin. Lagi kaming take 1, kumbaga sa love team, ang ganda po ng chemistry namin ni Jodi mapa-role man iyan or sa totoong buhay!

“Sa adliban jive na jive rin po kami, gets namin ang isa’t isa. Madalas sa haba ng kuwentohan namin, take na nagkukuwentohan pa kami.

“Pero kapag ‘action na’ alam agad namin ang gagawin namin. Kaya ang ganda po talaga ng tandem namin ni Jodi, ‘yung araw-araw mong inaasam talaga na may taping para magkakasama kayo lagi.”

Tampok din dito sina Robin Padilla, at Richard Yap, Boyet de Leon, Alma Moreno, Edgar Mortiz, Nikki Valdez, Ryan Bang, Bayani Agbayani, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …