SADYANG seryoso sa kanyang craft ang Fil-Am Hollywood actor na si Abe Pagtama. Napapanood siya sa pelikula, telebisyon, at pati sa advertisements. Sa Hollywood man o sa Filipinas, game rin si sir Abe sa iba’t ibang klase ng projects.
Ayon sa veteran actor na nakabase sa Hollywood, naghahanap siya ng mga challenging na project. “Gusto ko ng mas challenging na projects. I’m in my position that right now parang bakit nahihirapan din ako? Kasi you know, kakaunti na lang ‘yung role ko na… they’re looking for older people, mga ganoon. Even though I can play between 55 to 70 to 80 years old. Puwede ako niyon, puwede akong mas bata or mas patandain. Kasi karamihan ngayon, lolo ang role ko, ‘yun ang nakikita nila, hindi nila alam na I can play younger person,” seryosong saad niya.
Dagdag niya, “Gusto ko talaga ‘yung mga mas challenging na projects at iyong different naman na projects! Kasi ako, I really don’t like playing the same role na I’m just acting the way I am. Gusto ko ‘yung kalbo ako, mamamatay ng tao, mga ganyan, hahaha! I have a kick when I get out in the theater and then they’ll ask me, ‘Are you in the movie?’ Na hindi nila nahalata na nandoon pala ako sa movie, kasi binago talaga iyong itsura ko totally.
“Tulad nitong movie na Stateside, sabi ng producer, ‘You look so old sa film, pero kapag nakikita kita, ibang-iba ka.’ Iyon ‘yung gusto ko, na nacha-challenge ako, hindi man ako nakikilala pero I’ve proved to them that I can play something different without being noticed.”
Ano’ng masasabi niya sa Stateside at sa performance ni Mon dito? ”Very Filipino talaga, ang daming umiyak sa mga audience,” nakangiting saad niya. “Drama kasi iyong movie, wala masyadong action. Kasi kapag sinabing Stateside, you know, Stateside ay made in the USA kaya you expect something good to happen. Pero mas nagdusa pa si Mon sa pagpunta sa US dahil he went there as an illegal alien, e.
“About Mon, he should win some awards, you know, doon ko talaga nakita ‘yung feeling na… na bilang actor, magaling talaga si Mon. I really appreciate what he did there. I have a nice role here na talagang markado, grandfather ako ni Mon sa Stateside. Sa Lolo Pepe, obviously ay grandpa rin ako, pero isang Godfather ng mafia naman,” nakangiting saad niya.
Incidentally, bukod sa pagiging founder ng Los Angeles Philippines International Film Festival (LAPIFF), katatapos lang gawin sa bansa ni sir Abe ang pelikulang Broken Hallelujah ni Direk Roland Sanchez, at malapit na niyang simulan ang Lumpia Part 2 sa Amerika. Si Sir Abe rin ang bida sa pelikulang Lolo Pepe na ginawa sa Amerika.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio