Saturday , November 16 2024

5 patay, 10 kritikal, 100 sugatan sa bumagsak na bunkhouse (Sa construction site)

UMABOT sa lima katao ang namatay habang tinatayang 100 ang nasugatan makaraan gumuho ang apat palapag na bunkhouse na tinutulugan ng mga construction worker ng isang kom-panya sa Cebu City, nitong Martes ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente dakong 3:00 am habang natutulog ang mga construction worker.

Agad dumating ang mga rescue team at ina-bot ng umaga ang pagsagip sa mga biktima na nadaganan ng gumuhong mga bakal at semento.

Sa paunang impormasyon mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Council, lima ang namatay at nasa 100 ang sugatan, 10 sa kanila ang malubha ang kalagayan.

Inaalam ng mga awtoridad ang dahilan ng pagguho ngunit lumalabas na mahina umano ang mga materyales na ginamit sa bunkhouse at hindi kinaya ang bigat ng mga natutulog.

Hinihintay ng pulisya ang opisyal na pahayag ng kompanyang may-ari ng bunkhouse hinggil sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *