Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yassi Pressman Sam Milby
Yassi Pressman Sam Milby

Sam, basted agad kay Yassi (‘di pa man nakaka-first base)

HARAP-HARAPANG inamin ni Sam Milby sa presscon ng pelikula nila ni Yassi Pressman, ang Ang Pambansang Third Wheel, handog ng Viva Films at The IdeaFirst Company na mapapanood na bukas, Marso 7, na crush niya ang dalaga.

Ani Sam, ”Crush at type ko siya.”

Ngiti naman ang isinagot dito ni Yassi at sinabing trabaho ang prioridad niya at wala siyang panahon sa love life.

“Wala pa po ang mindset ko sa ganoon kasi tuloy-tuloy pa rin po ang taping namin sa ‘Ang Probinsyano’ kaya rin po natagalan bago namin ilabas itong pelikula so, hindi pa po siguro ngayon,” giit ni Yassi.

Ito ang ikalawang pagkakataong magsasama sina Sam at Yassi sa pelikula. Ang una ay sa Camp Sawi na handog din ng Viva.

Ginagampanan ni Yassi ang isang receptionist na naging copywriter sa isang advertising agency. Si Sam naman ay isang art director. Si Alonzo Muhlach ang gumaganap na anak ni Sam habang si Sam Pinto ang ex-wife niya.

Ang Pambansang Third Wheel ay idinirehe ni Ivan Andrew Payawal, director din ng The Comeback at I America.

Pressured si Direk Payawal dahil sa malaking chance na ibinigay sa kanya ng Viva.

“Sa mga nauna kong pelikula ako ang nag-prodyus kaya ok lang kahit hindi masyadong kumita. Itong Third Wheel, pressured ako kasi siyempre nakakahiya dahil namuhunan ang Viva kailangan maibalik iyon,”nangingiting esplika ng batang director.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …