Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam Milby, seryoso lagi sa pag-ibig, hindi laro-laro

INAMIN ni Sam Milby na “single” siya dahil kakatapos lang ng split nila ng non-showbiz girlfriend at kailangan niya ang sapat na panahon para maka-move on at muling makahanap ng panibagong mamahalin.

Naroroon kasi iyong feeling ng iba na ang isang lalaking kasing guwapo ni Sam at sikat pa ay hindi maaaring mapanatiling single nang matagal. Dahil hindi man siya maghanap ng magiging girlfriend, tiyak na may naghahanap sa kanya. Sa ganoong sitwasyon, kung nakipag-split ka na eh, bakit naman uurong ka pa kung may lumalapit? Maaari ngang masabing may iba riyan na papayag sabihin mang sila ang “third wheel” ng isang kasing guwapo ni Sam.

Pero hindi ganoon ang nasa isip ng leading man ng Ang Pambansang Third Wheel. Si Sam ay laging seryoso sa kanyang mga love affair. Hindi iyan laro-laro lang para sa kanya. Iyan ay isang seryosong bagay na sa simula pa lang, ang inaasahan mo ay may kahahatungang mabuti.

“It takes time bago ako makahanap ng iba. Ganoon naman ako eh. Makakahanap pero it takes time. Sa bawat relationship mayroon kang natututuhan. And so kung ano ang natututuhan mo dapat i-consider mo in your next relationship, knowing that it will make everything better.

“You don’t break up and jump into another relationship for nothing. You split kasi may mali. So you try to find someone else na hindi na mauulit iyong mali noong una,” sabi pa ng actor.

Parang kagaya rin naman iyan ng tingin niya sa kanyang career. Maganda ang naging pasok ni Sam sa showbusiness dahil sikat siya agad. Matinee idol kasi ang dating niya roon pa lang sa PBB. Pero hindi rin naman perfect ang kanyang career, so gumawa rin siya ng pagbabago, learning from past mistakes and improving for the better.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …