MATAPOS manalo ng Best Actor sa Philippine Movie Press Club 34th Star Awards for Movies para sa pelikulang Bhoy Intsik ni Raymond “RS” Francisco, limang pelikula ang gagawin niya via Frontrow Productions.
Pero this time, hindi siya kasali sa pelikula kundi producer lamang dahil naka-focus siya sa paparating na stageplay.
Gusto kasi nitong bigyan ng oras at mag-focus muna sa pag-arte sa teatro na roon siya nagsimula at nahasa ang husay sa pag-arte.
Gagawa rin ng pelikula si RS na isinulat at ididirehe ni Joel Lamangan. At saka naman gagawin niya ang stage play.
Ngayon ay patungong Portugal si Raymond para dumalo sa isang festival doon na kasali ang Bhoy Intsik. Umaasa siyang mapapansin ang kanyang pelikula at mananalo ng award.
MATABIL
ni John Fontanilla