Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Aktres, muntik sumubsob ang mukha nang mag-dive

MUNTIK nang magwala’t mag-walk out ang isang aktres sa isang TVC shoot dahil sa aniya’y kapalpakan ng production team nito.

“Shampoo commercial ‘yon, kaya ang kinunang eksena, eh, sa swimming pool,” panimula ng aming source. Ang bilin daw ng direktor ay magda-dive ang aktres sa pool, sabay ahon with her medium shot na hawak ang kanyang nabasang buhok.

Ang problema’y hindi pala nasabihan ang aktres na sa mababaw na parte lang pala ng pool siya da-dive, ”Todo emote pa naman ang lola mo, feeling yata niya, eh, Olympic size ‘yung pool. Kung makaporma kasi, eh, feeling niya, kinatawan siya ng Pilipinas sa swimming event!”

Nang mag-dive na raw ang aktres, buti na lang ay tantiyado niya ang kanyang kilos dahil kung hindi’y tiyak na sumubsob ang mukha niya sa sahig ng pool.

“Ang ending, imbiyernang-imbiyerna siya sa production, maano ba naman daw na in-inform siya na hindi pala kalaliman ‘yung dadaybin niyang pool?” sey pa ng aming katsika.

Da who ang aktres na itinuloy na rin ang TVC shoot Hitsurang bad trip siya? Itago na lang natin siya sa alyas na Connie Sagala.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …