Monday , November 25 2024

Medical mission & relief distribution ng MIAA sa Bicol malaking tulong

UMABOT sa 1,500 pamilya ang benepisyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa ginawa nilang relief distribution and medical mission kabilang ang free haircut nitong Sabado sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano sa Anislag, Daraga, Bicol, isa sa mga evacuation site.

Pinangunahan ni MIAA General Manager Ed Monreal kasama ang iba pang opisyal sa pama­mahagi ng 4 kilo ng bigas, 2 galon ng distilled water, 5 piraso ng assorted canned goods, isang kumot, isang banig at timba.

Ang nasabing gawain ay bilang bahagi ng ika-36 anibersaryo ng MIAA sa pakikipagtulu­ngan ng Air 21, Cargohaus, Philippine Army, Manila Chinatown, Lionsclub, Radio Emergency Communication Operations Network Philippines Inc. (RECOM) at iba pang local government units (LGUs).

Bahagi rin umano ito ng “corporate social responsibility in-line with the anniversary.”

Sa kabuuan, nakapamahagi sila ng 6,000 kilos ng bigas; 3,000 galon ng distilled water; 7,500 piraso ng assorted canned goods; 1,500 praso ng kumot; 1,500 piraso ng banig at 1,500 piraso ng plastic na timba

Lahat ‘yan ay nagkasya sa dalawang Air 21 delivery trucks na umalis noong Biyernes patungong Anislag, Daraga Bicol.

Good job, GM ED Monreal! Mabuhay ka!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *