LAKING turn-off ng isang may-edad nang studio audience ng isang pang-araw-araw na TV show sa male host nito.
Ang kuwento, isa sa mga nakatambay sa hallway ng studio ang nasabing elderly audience. Ilang tumbling lang ang kanyang kinatatayuan mula sa dressing room ng male TV host.
“Dinig na dinig talaga niyong wrangler (read: matanda) ‘yung siney niyong TV host doon sa isa niyang staff. Hindi na kasi kailangang lumapit pa ng masyonda sa pinto o sumilip man lang. Sey talaga niyong TV host sa staff, ‘Pakitingnan mo nga muna kung marami pang fans na nasa hallway. Kapag wala na, sabihan mo ‘ko agad, at saka lang ako lalabas,” kuwento ng aming source.
Medyo sumama ang loob ng matanda. Hindi nito inaasahang “allergic” pala ang TV host sa fans niya gayong kapag nasa harap na ng camera at umeere na ang kanyang palabas ay akala mo kung sinong maka-mahirap kung umasta.
“Ang katwiran niyong pobreng matanda, hindi naman siya pumunta sa show para manghingi o manlimos. Libangan na lang ng matanda ‘yung makita niya nang personal at malapitan ang iniidolo niyang TV host. Pero dahil sa mismong nasaksihan niyang pag-uugali ng host na parang diring-diring makakita ng mga faney, na-turn off na siya ng bonggang-bongga!” sey pa nito.
Da who ang bida sa kuwentong ito? Isyogo na lang natin siya sa alyas na Billy Villarama. (R. Carrasco III)