Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Soon’ to be wedding nina Luis at Jessy, sa ibang bansa gagawin

AYON kay Luiz Manzano, sa interview niya sa Pep.ph., kung sakaling magpapakasal na sila ng girlfriend niyang si Jessy Mendiola ay sa ibang bansa nila ito planong gawin.

Sabi ni Luis, ”Destination wedding, siguro, iniisip namin kung saan pa, may mga choices na kaming naiisip. Kailangan lang namin siyempre pumunta kung saan man ‘yun para ma-ocular.”

Ibig sabihin ay talagang pinag-uusapan na nila ni Jessy ang pagpapakasal. Kinilig nga ang marami sa mga tagahanga nila nang mag-comment si Luis na ”soon po” sa Instagram post ni Jessy na naka-bridal gown.

May definite date na ba ang sinasabi niyang ”soon po” sa girlfriend?

“Soon, ‘yun naman talaga, hindi ko naman nilalabo o itinatago under different context. ‘Yun naman talaga, ‘yun ang goal naming lahat. Definite date? Wala pa talaga, but definitely soon. Kumbaga, it’s in immediate plan. Kumbaga sa biyahe, nasa itinerary ‘yan, eh.”

 

BF NI KIM, ‘DI APEKTADO
SA VIDEO SCANDAL

INAMIN ng boyfriend ni Kim Domingo na si Michael ‘Mike’ Acuña, na siya nga ang lalaki sa video scandal na kumakalat ngayon.

Sabi ni Mike, ”Alam naman ng family ko ‘yan, alam ng GF ko ‘yan. Andiyan pa rin sila for me. I’m still happy right now. I’m busy sa mga agenda ko. I’m a guy at walang mawawala sa akin. I’m not affected anymore.”

MUSIC NI HEC,
PANG-MILLENNIAL

HINDI na baguhan sa music industry si Hec. Nakagawa na siya ng album before. Nawala lang siya sa limelight noong mamatay ang kanyang ina na naka-base na sa America.

Nagpunta siya sa USA at nagtagal ng ilang taon. Pero ngayong balik-‘Pinas na si Hec, bibigyan niya na ulit ng pansin ang naudlot niyang singing career. This time ay tuloy-tuloy na ito.

In fact, busy siya ngayon sa promo ng kanyang Dr. Lab album, produced ng GOODING at distributed ngBLCKMRKT Records.

Ang album ay naglalaman ng mga awiting Musta Na Ba? Para sa InyoDr. LabPagmamahal KoGumising KaHangang sa Panaginip,  Simulan ng Ngiti, at Pakinggan Ninyo na lahat ng mga ito ay mula sa sariling komposisyon ni Hec.

Aniya compilation ito ng mga isinulat niyang kanta simula noong teen-ager pa siya.

“Naipon iyang mga kanta na iyan. Makare-relate ang mga millennial. Lalo na iyong mga love song and hardships in life. Mayroon ding love won and love lost,” sabi pa ni Hec.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …