Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal products

Krystall Herbal products anyone, anywhere, anytime

NARITO po ang isang sulat na natanggap natin noong November 30, 2013. Tatlong patotoo sa paggamit ng kanyang pamilya ng KRYSTALL Herbal products.

Minamahal kong Madam Fely Guy Ong,

Ang sulat pong ito ay isang patotoo na may iba’t ibang istorya:

I. Minsan po ay pumunta  kaming mag-anak sa isang resort sa Bataan, kasama ang dalawang apo, isang 8-year old (boy) at 3-year old (girl). Bago kami matulog ay naglaro muna kami sa kama at lapag. Nagkakantahan ng Bahay Kubo. Si Lethro (8 years old)  ay  patalon-talon sa kama habang kami ni Carys (3 years old)  ay nasa lapag. Tawanan nang tawanan kami kasi hindi nila masundan ang mga halaman sa Bahay Kubo. Maya-maya umalingawngaw ang malakas na iyak ni  Lethro, ‘yun pala ay nalaglag sa napakataas na kama parang designed para sa mga foreigner. Pagtingin  ko  kasinglaki  ng malaking santol sa kanang ulo niya. Ugali ko na kapag umaalis, maraming Krystall herbal oil at Krystall herbal powder ang ibinabaon ko. Suki po ako  sa Cubao Farmers Plaza. Ang ginawa ko po pinahiran ko ng Krystall Herbal Oil habang dinadampian ng yelo.  Halos isang buwan bago umimpis ang bukol. Katakot-takot na oil ang naipahid namin kay Lethro.

II.  Nang kami ay pauwi na, kumain kami sa Max’s sa Pangasinan. Habang kumakain sabi ni Carys, lola punta tayo sa room.  Hindi ko alam na napipikit na pala ang bata sa antok.

Mayamaya ay biglang nalaglag sa silya, hindi  nagbukol subalit nagdugo nang konti ang itaas ng  batok niya. Nilagyan ko ng Krystall Herbal Oil at Krystall Herbal Powder. Praise God at madali rin tumuyo ang sugat na maliit.

III.  Heto naman po ang istorya ko. Ako si sister Morita Melencio, 65 years old. Noong Sept. 16, 2013, ako po ay nagkatrangkaso. Tulad ng naririnig ko sa “Kalusugan   Mula Sa Kalikasan” radio  program,  nagpahid  po  ako  ng Krystall Herbal Oil mula bumbunan hanggang  talampakan. Matindi  rin ang sipon at ubo ko. Bukod sa  Krystall Oil nag-lagundi at konting Tempra, mawawala  at  bumabalik lang din ang lagnat ko. Walang patid ang  haplos ko ng Krystall Herbal Oil. Umabot ng dalawang linggo ang lagnat, sipon at ubo ko. Maraming bote rin ang naubos ko. Dahil matanda na nga ako, akala ko ay hindi na ako gagaling. Subalit dahil sa bisa ng Krystall Herbal Oil at himala ay gumaling din ako sa halo-halong tulong ng oil at dasal ng Maykapal. Pagdating po ng October, ako po ay magaling na magaling na. Purihin ang Diyos.

Lubos na gumagalang,
Mrs. Morita A. Melencio
No. 16, Longonan St.,
NPC Village, Tandang Sora,
Quezon City

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …