Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Beking komedyante, isinumpa at inayawan ng mga show promoter

ISINUSUMPA ng isang grupo ng mga show promoter na never na raw nilang aaluking mag-show sa isang bansa sa Asia angbeking komedyanteng ito

Sey ng isa sa kanila, ”Naku, first and last na ‘yung isinama namin siya sa Show ng isang sikat na komedyana. Eh, kung tutuusin, hindi naman ‘yung baklitang ‘yon ang main featured star doon sa show namin, ‘no! Pero siya itong maraming demands!”

Nang makarating kasi ang buong grupo sa nasabing bansa (na madalas pagkunan ng mga tina-Tagalog na teleserye), humiwalay saglit ang beki, ”Kung saan-saan tuloy siya napadpad. Aba, ang sabi-sabi ba naman sa amin, eh, bakit iniiwanan daw namin siya? Juice ko, VIP treatment ba ang ine-expect niyang ibigay namin sa kanya, na pati bagahe niya, eh, gusto niya na kami pa ang magbitbit?”

Himutok pa ng aming kausap, ”Sa van kami siyempre nakasakay lahat. Eh, kung ‘yun ngang main star, hitsurang namamaluktot na sa sikip pero walang karekla-reklamo. Pero kung sino pang starlet, eh, siya pa itong maraming kiyaw-kiyaw. Kesyo ikuha na lang daw siya ng ibang sasakyan. Ayaw niya ng masikip…hoooy, feeling niya, si Maricel Soriano siya?!”

Da who ang beking komedyanteng ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Ronel Iguana.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …