ISA pala sa tinamaan o nasagasaan sa paglipat ni Dads Piñera sa BI-PEZA ay itong si alias Enteng Kabisote.
Ganoon na lang daw ang sama ng loob ni Enteng nang malamang nasakop pala ang kanyang kaharian.
Sayang daw at talagang at home na sana siya sa kanyang dating puwesto sa PEZA. Hindi raw akalain ni Enteng Kabisote na siya ay masusulot ‘este papalitan.
How cruel naman!
Isipin na lang na kadarating lang sa BI-PEZA at ‘di pa nag-init sa kanyang puwesto ay para siyang informal settler na kung saan-saan dinadala at pinalilipat-lipat ng puwesto?
Wattafak!?
Ginawa lang na parang tsubibo?
Ay totoo ka!
Ang alam nga ng lahat, doon na magtatagal ang career ni Kabisote dahil kailan nga lang ay nanggaling pa siya sa BI Olongapo na feeling secured na secured na.
Paano mangyayari ang ganoon, samantala ipina-deport nga pabalik ng Maynila dahil sa magkakasunod na kapalpakan.
Nagkataong sinuwerte lang si Kamote ‘este Kabisote at muling nagkaposisyon sa PEZA.
Pero sino naman kaya ang author ng pagpapatalsik sa kanya sa opisina?
Wala kayang kinalaman ang dating bff niya na si Atty. Pepper?!
Bakit naman e dati nga silang sanggang-dikit ‘di ba?
‘Yun ang ‘di natin alam!
Sabagay, sabi nga nila, “sometimes your bestfriend may be your worst enemy!”
What d’ya think of that Atty. Pepper?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap