Friday , November 15 2024
INIHARAP sa mga mamamahayag nina MPD station 7 commander, Supt. Jerry Corpuz at PS7 PIO, S/Insp. Ness Vargas ang apat na baril at walong magazine na nakompiska mula sa suspek na si Juan Celso Belmonte na nadiskobre sa loob ng dala niyang kahon habang pasakay sa LRT Blumentritt Station sa Tondo, Maynila. (BRIAN GEM BILASANO)

Baril ipinuslit sa LRT kumpiskado, dalawa arestado sa Tondo

NADAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District(MPD)ang isang 39-anyos lalaki makaraang madiskubre ng awtoridad ang dala nitong mga baril na nakalagay sa isang box habang papasok sa isang station ng Light Rail Transit(LRT) kahapon ng hapon sa Tondo Maynila.

Base sa ulat ni MPD Station 7 commander Supt Jerry Corpuz, dakong 6:45am pumasok sa LRT Blumentritt station ang suspek na si Juan Celso Belmonte 39,checker/delivery boy ng isang Security agency at residente ng 264 Beltran st Balut Tondo kung saan bitbit nito ang isang selyadong box.

Nang inspeksyunin ng awtoridad ang dala nito ay nadiskubre ang apat na 9mm kalibre baril at walong magazines na nakalagay sa naturang box.

Giit ng suspek na iniutos lamang sa kanya ng kasamahan sa Security Agency na ideliver umano ang box sa kanilang Amo sa Baclaran.

Kasunod nito, nagsagawa ng followup operation ang kapulisan at pinuntahan ang itinuturong nagutos kay Belmonte na ideliver ang naturang box na naglalaman ng mga baril.

Dahil dito, Naaresto rin ang suspek na sinasabing kasamahan sa trabaho ni Belmonte na si Ramilo Retiro, 48 ng 286 Balut Tondo.

Base naman kay Retiro, Hindi rin nito alam na baril ang laman ng naturang box na naka-adress sa kanilang amo na nakatakda sanang ideliver ni Belmonte kayat nasakote ng pulisya.

Nabatid kay MPD Station 7 P.I.O Sr/Insp Ness Vargas, isasailalim sa Ballistic exam ang mga nakumpiskang baril at nakatakda rin imbestigahan ang di tinukoy na security agency at forwarders dahil sa posibilidad na hindi lamang isang beses nito ginawa ang iligal na pagtransport/courrier ng baril.

Kasalukuyang nakapiit sa naturang prisinto ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive law on firearms and ammunitions.

(BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *