May plano rin bang pasukin ni Atasha ang beauty contest tulad ng ina na nanalo bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 1994, ”we’ll see if the opportunity is there, then why not, but for now, school first,” pakli ng dalagita.
Inalam naman namin kay Charlene kung kailan siya muling aarte sa harap ng kamera pero kaagad na umiling ang wifey ni Aga na ibig sabihin ay hindi na.
“In-enjoy ko talaga ate Reg ‘yung pagpapalaki sa kanila, kasi formative years nila, so I need to be with them, guide them and natutuwa ako kasi napalaki namin sila ni Aga na normal lang sila, walang alam sa showbiz, ‘yun kasi ang gusto namin.
“Sa bahay, we never mention about showbiz, normal life lang kami, ate Reg. Pati sila (kambal), nagagawa nila ang gusto nila, normal kids. Nakakapag-bike sila sa loob ng village with their friends. Sa school ganoon din, walang special treatment. At saka sa international school naman wala naman silang pakialam kung anak ka ng showbiz or kung sinuman. Kaya nag-enjoy ako talaga sa kanila (Atasha at Andes) sa kanilang dalawa,”paliwanag mabuti ni Mrs. Muhlach.
At napansin ni Charlene na nakatitig kami kina Atasha at Andres dahil naalala namin ang kabataan ng kanilang ina.
“Natutuwa ako ate Reg, kasi di ba, I’m 18 or 19 when I entered showbiz. So parang nakikita ko na ang sarili ko sa kanila, pero tapusin muna nila studies nila,” say sa amin.
Pagkatapos ng mediacon at wala ng taga-media na nasa venue maliban sa amin ay talagang nilantakan ng mag-amang Aga at Andres ang isang bucket ng Chickenjoy.
Say nga ni Aga, ”Talagang mula noon hanggang ngayon, Chickenjoy has been a constant presence in my life not only because of all the projects I did with Jollibee, but because it really is my favorite fried chicken from the crispylicious skin to the juicylicious, malinamnam meat that you dip in the gravy. Chickenjoy really hits the spot when it comes to flavor na ‘di ko malilimutan.
“And the twins really do the ‘isa pa! Isa pang Chickenjoy thing because they really love, they grew up with chickenjoy and they know that when it comes to fried chicken, talaga namang best sa sarap nito.”
And for the record, si Aga ang nakaisip ng MaAga Ang Pasko na nagsimula noong 1994 na naging instant hit kaya taon-taon ay napapanood ang TV ad campaign na ito ng Jollibee.
Tumagal din ng ilang taon ang TVC na lahat ng sobrang laruan o hindi na ginagamit ay idino-donate sa lahat ng Jollibee branch at ibinibigay nila sa mga batang kapus palad sa pakikipagtulungan sa DSWD.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan