BATANGAS – Binawian ng buhay ang isang barangay chairman makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Taal, nitong Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Ireneo Almazan, ng Brgy. Carasuche sa Taal.
Nabatid sa ulat, nakatayo si Almazan ma-lapit sa barangay hall nang dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo at siya ay pinagbabaril bandang 9:20 ng gabi.
Agad isinugod ang biktima sa Taal Polymedic Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Inaalam ng pulisya ang mga responsable at ang motibo sa pagpaslang sa biktima.