SAN PABLO, Laguna – Daan-daang jeepney drivers, operators, at concerned citizens ang inaasahang lalahok sa nationally-coordinated protest action ngayong araw, 19 Pebrero, sa nasabing lugar.
Ito ay pangungunahan ng Save Our Jeepney Network (SOJENET) Coalition upang kondenahin ang anila ay bogus modernization program ng gobyerno para sa public transportation, partikular sa public utility jeepneys (PUJ).
Ayon kay Bencio Reyes ng SOJENET Coalition, ang jeepney modernization program ng gobyerno ay paraan upang i-corporatize ang PUJ sector at balewalain ang obligasyon ng gobyerno na magkaloob ng mura, maayos at epektibong mass transportation system.
“Under this modernization program, big corporations and even financial institutions will gain much profits at the expense of the livelihood of our jeepney drivers and operators. In reality, ordinary jeepney drivers and operators will not be able to afford the skyrocketing costs to comply with various requirements of this program,” ayon kay Reyes.
Bukod sa sa modern units ng jeepneys (e-jeepney, solar-powered, etc.), ang jeepney drivers at operators ay inaasahang magkakabit ng GPS units at wi-fi connection, at iba pa, sa bawat jeepney.
“Furthermore, despite the costs associated with the modernization, the government will not provide subsidy to hundreds of thousands of affected jeepney drivers. Instead, they propose loan programs that will eventually put jeepney drivers in great debt as financial institutions impose high interests and unjust payment terms,” dagdag ni Reyes.
Samantala, binigyang-diin ng STARTER-PISTON, ang jeepney phase-out ay nagsisimula na sa Metro Manila sa ilalim ng “Oplan Alis Usok, Alis Bulok” operations ng Department of Transportation.
Sa kasalukuyan, umabot na sa tinatayang 1,000 behikulo, karamihan ay PUJ, ang pinatalsik sa kalsada dahil sa mga paglabag.
Sa operasyon sa UP Diliman kamakailan, ang mga lumabag ay pinagmulta mula P2,000 hanggang P5,000.
Sinabi ni Reyes, ang nationally-coordinated protest ngayong araw ang magiging hudyat ng mga taga-Southern Tagalog sa kanilang paggigiit sa pro-people modernization program na tunay na magsisilbi sa interes ng mga mamamayan.
Naniniwala ang SOJENET Coalition at STARTER-PISTON, ang kailangan sa epektibong mass transportation system ay national industrialization at tunay na agrarian reform – na parehong makatutulong sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.