Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeric Teng globalport Pido Jarecio

Teng, nabuhay sa Globalport

SA araw ng mga puso kamakalawa, mistulang kapa­nganakan muli ni Jeric Teng.

Matapos kunin ng Globalport bilang free agent noong Martes upang magbigay-daan sa pagbabalik tambalan nila ng college coach na si Pido Jarencio, tila bumalik rin sa dating sarili si Teng.

Sa 10 minutong lamang na inilaro sa court galing bench, kumamada ang 26-anyos na si Teng ng 9 puntos sa tatlong ibinuslong tres kasahog ang 2 rebounds, 1 assist at 1 steal.

Bunsod ng kanyang pag­liyab, natulungan niya ang Globalport na masilat ang TNT, 99-84 para umangat sa 4-4 ang kartada.

Ito ang unang laro niya sa PBA matapos pakawalan ng KIA noong nakaraang taon.

At hindi makapaniwala si Teng sa pakiramdam na mistula siyang isang rookie ulit.

Higit pa roon, lubos ang pasasalamat niya kay Jarencio na naging gabay niya sa panahon nila sa University of Santo Tomas na umabot sa Finals ng UAAP noong 2012 at 2013.

“I never imagined that I will be playing again under coach Pido. I even didn’t expect to get a call from them in the middle of the season,” ani Teng.

“So siguro blessing na rin that I was given this opportunity and I’m gonna make most out of this,” pangako niya.

Magugunitang nang magtapos sa UST noong 2013, umakyat sa PBA si Teng at napili bilang 12th overall pick ng Rain or Shine nang siya ay naglaro hanggang 2016 bago napadpad sa KIA.

Bagamat beterano sa liga, nahirapan siyang makakuha ng playing time upang maipamalas ang kanyang galing na aniya’y naging motibasyon niya sa kanyang pagbabalik sa liga.

“I still kept going, ‘yun nga mga struggles ko ‘yun ang motivation ko talaga para mag-improve. I really wanted to comeback and play dito sa PBA kasi ito ang dream ko. I worked hard on this one and sana nga magtuloy-tuloy na and make the most out of it,” pagtatapos niya.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

POC Bambol Tolentino PhilCycling Dato' Amarjit Singh Gill

12 bansa kumpirmado na para sa Asian track championships sa Tagaytay CT Velodrome

BUMALIK sa Pilipinas ang ika-45 Asian Cycling Confederation (ACC) Track Championships matapos ang 31 taon, …

PSC Pato Gregorio NGAP

Asian Tour Series PH Leg sa Pebrero na

ALINSUNOD sa malawakang kampanya ng pamahalaan para sa sports tourism, pangungunahan ng Philippine Sports Commission …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …