SAKTO ang target audience ng Regal producers na sina Mother Lily Monteverde at Ms Roselle Monteverde-Teo sa pelikula nilang My Fairy Tail Love Story nina Janella Salvador at Elmo Magalona dahil pawang estudyante ang nanood kahapon sa Gateway Cinema 6; Robinsons Magnolia Cinema 4; Eastwood City Walk 2 cinema 3; at Trinoma Cinema 4.
Ang mga nabanggit na sinehan palang ang nakunan namin ng balita dahil sa mga kakilala naming naroon at masaya ang reaksiyon ng mga nanood dahil kumakanta-kanta pa sila paglabas ng sinehan.
Sigurado kami na marami ring nanonood sa SM movie houses dahil pang-masa ito at madalas dito ang puntahan ng mga estudyante bago umuwi.
Feel good movie naman kasi ang My Fairy Tail Love Story, pambagets o teenagers ang kuwento na mahilig sa fairy tales at bagay din ito sa bagong magkaka-relasyon na gustong kiligin at matawa, ang pelikula nina Elmo at Janella ang bagay sa inyo.
Since hindi pa naman kasi kaya ng mga estudyante ang bumili ng mamahaling concert tickets at mag-dinner sa mamahaling restaurants ay puwede na munang manood ng My Fairy Tail Love Story at mag-take out na lang ng pagkain sa loob ng sinehan.
Ang nasabing pelikula ay handog ng Regal Entertainment at IdeaFirst na idinirehe ni Perci M. Intalan.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan