Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
itak gulok taga dugo blood

Misis tinaga ni mister (Nahuli kasama ng kalaguyo)

ARESTADO ang 41-anyos lalaki makaraan tagain ang kanyang misis nang mahuli habang kasama ang umano’y kalagu­yo ng ginang sa Currimao, Ilocos Norte, nitong Sabado.

Ang biktimang si Princess Rafanan, 31, ay nagkaroon ng sugat sa kamay makaraan tagain ng mister niyang si Frederick Rafanan.

Sa imbestigasyon, nahuli ni Frederick na kasama ng kaniyang misis ang umano’y kalagu­yo na si Helmer Melendez.

“Nakasakay sa tricycle si Princess na minaneho ni Helmer at sinundan sila ni Frederick na naka-van. Nang makababa sila may armas nang itak si Frederick at tinangka niyang tagain si Helmer pero nakatakbo,” ayon kay Senior Inspector Marlon Padamada, hepe, PNP-Currimao, Ilocos Norte.

Tinaga rin niya ang kaniyang misis ngunit naharangan niya ito at nasugat ang kaniyang kamay.

“Isang buwan nang hindi nagsasama ang mag-asawa dahil sa umano’y pananakit ng suspek sa kaniyang misis,” dagdag ni Padamada.

Sa manhunt operation, nahuli ang suspek sa Sinait, Ilocos Sur.

Depensa ng suspek, nagdilim ang kaniyang paningin nang makita niya ang dalawa.

“Napatunayan ko na mayroon talagang ginagawang masama,” ani Frederick.

Sasampahan ng kasong frustrated parricide at attempted murder si Frederick.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …