Saturday , April 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Clique V, matayog ang pangarap

ISANG new generation boy band iyang Clique V. Una dahil bago talaga sila. Ikalawa may gusto silang simulang panibagong trend.

Sa panahong ito, hindi natin maikakaila na marami sa ating mga kabataan ang nahuhumaling sa mga boyband na Koreano. Mahirap labanan iyan, sinasabi ng marami. Kaya iyong mga nag-aambisyong magbuo ng boyband, ang ginagawa ay ginagaya ang style ng mga Koreano. Pero sawa na ang mga Pinoy sa gaya-gaya eh, kaya hindi na rin sila pinapansin.

Iyang mga Koreanong iyan, sumikat dahil naging stagnant ang music industry sa ating bansa. Tinalo na natin iyang mga foreign label noong dekada 70 at dekada 80, nang mauso ang OPM. Kaso may mga artist naman, at kanilang mga manager na kaanak din nila, na nagpilit na pahabain ang life span ng kanilang career. Hindi nila binibigyan ng puwang na sumikat ang mga baguhan para bigyang proteksiyon ang interests ng kanilang mga alagang artist. Ang nangyari, iyong bagong henerasyon ang naghanap ng bagong musika at ang nasumpungan nila ay ang musika ng mga Koreano. Hanggang sa dumating na nga ang panahon na naramdaman na lang nila na hindi na pala sila in demand, at ang ginawa nila ay naging counter productive sa industriya ng musika sa ating bansa.

Ngayon pumasok nga itong Clique V. Ang tunog nila ay walang dudang OPM, na gusto naman ng mga Pinoy. In fact iyong mga sikat na OPM noong araw, iyon ang inire-revive ng mga bagong recording artist ngayon. Pero hindi gumamit ng revival ang Clique V. Puro original ang kanta nila sa kanilang unang album, dahil kung sakali nga naman na mag-click iyon kagaya ng inaasahan, makikilala iyon bilang talagang mga kanta nila. Hindi iyong pinasikat na ng iba na kinanta lang nila ulit.

Matayog ang pangarap niyang Clique V, na pinaniniwalaan naman ng mga kritiko na maaabot nila. Palagay naman namin, dapat sila talagang suportahan kaysa ang namamayani ay iyong mga singer na Koreano rito sa ating bansa.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Wally Bayola

Wally Bayola naaksidente motor sumemplang  

BUMANGGA ang sinasakyang motor ni Wally Bayola sa isang pothole sa Barangay Bel-Cruz sa Andaya …

Princess Aliyah Fred Moser

Princess Aliyah pag-amin lantaran: BF material si Fred Moser!

ni Allan Sancon HINDI na nagpaligoy-ligoy pa si Princess Aliyah nang usisain tungkol sa tunay na estado …

Martin Romualdez

Mahal na Araw sagradong panahon para magnilay — Rep Romualdez

GINUGUNITA ngayong linggo ng mga Kristiyano ang pinakamahalagang yugto sa buhay ni Hesukristo, ang kanyang …

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …