KAILANGAN kumuha ng permit ang mga dayuhang kompanya kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., bago makapagsagawa ng scientific research sa Benham / Philippine Rise.
Ito ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa cabinet meeting, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Ani Roque, lahat ng lisensiyang naipagkaloob para sa pagsasagawa ng scientific research sa Philippine Rise ay kanselado na.
“They are all cancelled. If they want to apply, they must, in addition, get the personal approval of the National Security Adviser,” ani Roque.
Nais aniya ng Pangulo na bigyan ng prayoridad ang mga Filipino na magsagawa ng research sa 13-milyong ektaryang underwater plateau sa silangang bahagi ng Luzon.
“It’s not really a ban,” giit niya.
(ROSE NOVENARIO)