Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lady executive off’l ni Mayor Robes pinaslang (Sa City of San Jose del Monte)

PATAY sa apat na tama ng bala sa ulo ang lady executive official ng alkalde ng City of san Jose del Monte, Bulacan, kagabi.

Sa inisyal na ulat, sinabing ang biktima na si Orpha Morauda Velasquez, kasalukuyang Executive Assistant ng City Government of San Jose del Monte, Bulacan, ay nasa tapat ng kanilang tarangkahan nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki na nakasakay sa isang motor at isang puting van.

Isinugod sa isang ospital sa Tungkong Mangga, CSJDM ang biktima ngunit hindi naisalba ang kanyang buhay.

Bukod sa pagiging executive assistant, sinabing si Morauda-Velas­quez ay miyembro rin ng Bids and Awards Committee (BAC) ng lungsod.

Isinusulat ang balitang ito’y wala pang opisyal na ulat ang pulisya ng CSJDM.

Ang biktima ay dating Political Affairs Assistant III ng kasalukuyang alkalde ng lungsod noong kinatawan pa sa Kongreso.

Pumalit sa puwesto ni Robes sa Kamara ang kabiyak niyang si Rep. Rida Robes.

Walang inilabas na pahayag ang pamilya ni Morauda-Velasquez.

Gayonman, umaasa ang naulilang pamilya na maigagawad ang katarungan sa pinaslang nilang kaanak.  (GMG)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About G. M. Galuno

Check Also

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …