KAILAN kaya pagtutuunan ng pansin at pakikialaman ni CAAP DG Jim Sydiongco ang pagkontrol sa pagdami ng flights sa Kalibo International Airport?
Hindi raw dapat dumami ang flights sa kakarampot na airport since unang-una, hindi ito pasado sa international standards of commercial aviation!
Bagama’t kayang lumapag ng mga Airbus 200 na commercial airlines, hindi pa rin talaga kakayanin na i-accommodate ang 51 flights daily para sa sukat ng nasabing airport.
Mantakin ninyo, 51 flights daily?
Susmaryosep!
Tama po, 51 daily flights at ‘yan ay sa international pa lang!
Hindi pa kasama riyan ang halos 25 domestic flights na dumarating araw-araw.
Juice colored!
Kaya naman pala minsan napadaan ako riyan ay umaabot hanggang runway ang pila sa arrival area at hanggang parking naman pagdating sa departure area!
Kapag dumarating ang ganitong pagkakataon, laging play safe naman ang CAAP Kalibo officials at agad naghahanap ng sisisihin gaya ng Customs, Immigration at Quarantine!
King enough naman!
Paano mo pagkakasyahin sa apat na arrival counters at tatlong departure counters ng immigration ang dumarating na 7,000 pasahero araw-araw?!
Por dios y por santo!
Halos hindi na nga raw makuhang dyumingel at kumain ng mga taga-CIQ sa sanrekwang pasahero?!
Tapos kapag nagkaroon ng congestion hanap-sisi ang CAAP Kalibo?!
Dagdag pa riyan, mas malaki pa raw ang nasasakupan ng food stalls, restaurants at duty free kompara sa waiting area ng mga pasahero.
Siyempre naman, may kitakits raw kasi ‘di ba?
Madalas daw, sa sahig na nakaupo ang mga pasahero habang naghihintay ng boarding nila!
Pakengsyet!
‘Di ba nakahihiya para sa mga turista ang ganyan?!
Dapat siguro pagtuunan ng pansin ni CAAP DG Jim Sydiongco ang pagpapalaki sa physical structure ng Kalibo Airport bago pa ito magbigay ng landing permits sa iba’t ibang airlines!
Hindi worth it ang P700 terminal fee na sinisingil n’yo sa mga pasahero!
Agree ka ba riyan MIASCOR manager Madam Teresa Legaspi?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap