Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktor, iba’t ibang klase ng branded lipstick ang laman ng bag

TULAD ng inaasahan, niresbakan ng mga netizen ang isang actor na idinaan na lang sa joke ang boo-boo o pagkakamali ng isang babaeng personalidad na may katungkulan sa pamahalaan.

Pati kasarian tuloy ng actor ay pinagtripan ng mga tagapagtanggol ng kanyang binash.

Tuloy, hindi maiwasang magbalik-tanaw ang madlang pipol sa isang kuwento tungkol sa aktor na ‘yon. Saksi pa kasi mismo ang isang aktres na napapabalitang dyowa niya.

“Hay, naku, tumigil na nga ‘yung aktor na ‘yon! Eh, siya mismo ang nagpapahamak sa sarili niyang ‘baho’ para makalkal, ‘no!” sey ng aming source.

Ang kuwentong tinutukoy nito’y ang minsang nalaglag ang dala-dala niyang bag. Sumambulat tuloy ang mga laman nito.

“’Day, laking gulat talaga niyong aktres na nali-link pa mandin sa kanya. Hulaan mo kung ano pala ‘yung laman ng bag ng aktor na ‘yon! Siret? Mga iba’t ibang klase ng branded lipstick, pressed powder at kung ano-ano pang mga emyas! Eh, ‘di nabukelya tuloy siya! May boylet ba namang ‘yun ang mga laman ng bag?” hirit pa ng aming katsikahan.

Da who ang aktor na itey na siya na mismo ang nagbukelya kung anik siya? Itago na lang natin siya sa alyas na Dencio Dimacula­ngan.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …