Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Sikat na komedyante, namili ng napakaraming lupa

DAHIL hindi kami gaanong abala sa trabaho’y naisingit namin ang pagpunta sa isang bayan sa northern part ng Luzon kasama ang isang balikbayang OFW-friend.

Hindi namin akalain na mapapadpad kami sa isang resort na ang electronic billboard ay nadaraanan lang namin sa Edsa.

Sa isip-isip namin, ‘yun pala ‘ika ‘ko ang tourist destination na bugbog kung i-promote. Kung mapera ka rin lang kasi’y nanaisin mong bumili ng lote roon at patayuan ng bahay while enjoying the sandy beach na kalakip sa pagbili ng property doon.

‘Yun pala ang ginawa ng iilan nating mga celebrity lalong-lalo na ng isang sikat na komedyante.

Ayon sa kuwento ng propery consultant na nagdala sa amin sa resort na ‘yon, limang magkakadikit na lote sa isa sa mga subdivision ang nabili ng popular male personality na ito.

May sukat na 500 square meters ang bawat lote na noong nabili raw ng komedyante a few years ago ay nagkakahalaga lang ng P3,000 kada metro kuwadrado sa pre-selling price nito.

Ang current value na nito ngayon ay aabot sa P12,000 per square meter.

Hindi lang ang limang magkakadikit na tapat ng model house ang nabili ng komedyante. May dalawa pang golf residence ang kanyang na-acquire na literal na matatagpuan sa nine-hole golf course. Napabilis din ang pagpapapatag (although ongoing pa rin) ng lupa sa golf course sa tulong ng nakatatandang kapatid ng komedyante.

Napag-alaman namin na ang presidente ng resort at ang komedyante ay matalik na magkaibigan bukod sa pagiging magkababayan (sa norte rin ang kanilang pinagmulan).

Tanong namin: bakit may limang lote at dalawa pang loteng patatayuan ng bahay ang binili ng komedyante?

Pabirong sagot ng ahenteng nag-tour sa aming grupo, “Obvious ba na kaya lima ang loteng binili niya at magkakadikit pa, eh, para ipamana sa kanyang mga anak sa iba’t iba niyang nakarelasyon?”

Oo nga naman pala.

Pero hirit namin uli: Eh, para kanino naman ‘yung dalawang property sa golf course?

Sagot ng ahente: “Siyempre, para naman ‘yon sa bago niyang anak, at malay mo, masundan pa ‘yon ng isa pang anak sa huling babae sa buhay ng lolo mo?”

Oo nga rin  naman pala.

Kailangan pa ba naming bigyan ng alyas ang sikat na komedyante? Basta ang alam namin, siya at ang kasalukuyan niyang karelasyon ay meant to be.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …