TINIYAK ni Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan police, walang mangyayaring “katok-putok” sa isasagawang operasyon ng kanilang “Tokhangers.”
“Katok at pakiusap lang po tayo, walang puwersahan. Walang pahiyaan. Mahigpit ang guidelines natin,” aniya.
“‘Yang katok-putok, wala na ngayon. Nagkaroon lang ng negative impact dati kasi may mga maling nagawa.”
Matatandaan, mga pulis-Caloocan ang isinasangkot sa kaso ng pagpatay sa teenagers na sina Kian Delos Santos, 17; Carl Arnaiz, 19; at Reynaldo “Kulot” De Guzman, 14-anyos.
Dagdag ni Modequillo, team leader lang ang inaatasang makipag-usap sa personalidad na pupuntahan ng Tokha-ngers.
Magsasama aniya sila ng pastor o sinomang opisyal kung kinakailangan.
Kung wala aniya sa bahay ang hinahanap na personalidad, ipapaalam na lang sa miyembro ng pamilya na nasa watchlist ng Philippine National Police ang kanilang kaanak.