Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-Palawan gov Reyes sumuko sa Sandiganbayan

SUMUKO si dating Palawan governor Joel Reyes makaraan iutos ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa kanya dahil sa graft kaugnay sa mining permit case.

Ang dating local government official ay nagtungo sa Sandiganbayan 3rd Division pasado 3:00 pm kahapon.

Nauna rito, nagpalabas ang anti-graft court ng warrant of arrest laban sa kanya dakong umaga kahapon.

Ang order ay ipinalabas halos isang buwan makaraan siyang palayain mula sa pagkaka­kulong dahil sa pagpaslang kay radio host at environmentalist Gerry Ortega.

Pinagtibay ng Sandiganbayan Third Division ang August 2017 ruling na naghatol kay Reyes ng pagkakakulong nang anim hanggang walong taon dahil sa pag-apruba sa permit ng small-scale mining company.

Kasabay nito, ipinawalang-bisa ng korte ang kanyang piyansa dahil sa kanyang pagtakas mula sa bansa makaraan siyang kasuhan sa 2011 murder kay Ortega.

Tumakas si Reyes sa Thailand noong 2012 bagama’t may inilabas na hold departure order laban sa kanya.

Siya ay naaresto noong 2015, ayon sa Sandiganbayan.

Magugunitang ipinawalang-bisa ng Court of Appeals ang pag-aresto kay Reyes dahil sa murder bunsod ng kawalan ng ebidensiya na nagsasangkot sa kanya sa pagkamatay ni Ortega.

Si Ortega ay binaril at napatay habang namimili sa Palawan.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …