HINDI maaaring arestohin ng mga pulis na lalahok sa bagong “Oplan Tokhang” o Toktok-Hangyo (katok at pakiusap), ang hinihinalang drug users sa halip ay hihikayatin silang magpa-rehab, ayon sa isang opisyal ng pulisya nitong Linggo.
“Puwede naman pong mag-voluntary surrender o pumunta po sa estasyon para magpalista or mag-surrender, magpa-rehab voluntarily, pero hanggang doon lang po iyan,” pahayag ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde.
“Kung ayaw pong mag-surrender talaga ng drug dependent, wala po tayong magagawa… Hindi po puwedeng ikulong ang drug dependent,” dagdag niya.
Sa kabilang dako, ang mga drug pusher ay pupuntiryahin sa buy-bust operations na hiwalay sa Tokhang campaign, ayon kay Albayalde.
Sa ilalim ng bagong alintuntunin, ang mga operatibang tinaguriang “Tokhangers” ay dapat munang i-validate ang lahat ng mga impormasyon sa mga kabahayan na kanilang bibisitahin, makipag-coordinate sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sa local government units, at sumai-lalim sa pre-deployment briefing para sa bawat o-perasyon.
Ang bawat Tokhang team ay dapat mayroong apat miyembro, pawang pinili ng chief of police base sa kanilang track record.