PUMALAG na ang mga lehitimong Leyte Metropolitan Water District (LMWD) Board of Directors (BODs) na itinalaga ni Leyte Governor Leopoldo Dominico Petilla na kinompirma ng Local Water Utilities Administration (LWUA).
Sa pahayag ng BODs, hiniling nila ang tugon ng LWUA sa patuloy na kaguluhan sa LMWD dulot ng mga pekeng BODs, dating general mana-ger na isang Pastor Homeres at ilang mga manggagawa ng LMWD.
Ang pekeng LMWD board of directors ay hinirang ni Mayor Cristina Romualdez, na kinabibilangan nina Engineer Roberto Munoz, Atty. Bautista Corpin, Jr., Atty. Jenny Lyn Polistico-Manibay, Ms. Bernardita Valenzuela at Atty. Sharalee Gaspay.
Magugunita, noong 14 Dis-yembre 2017, ang pekeng BODs ay naghain ng aplikasyon para sa temporary restraining order (TRO) sa RTC Tacloban para sila ang kilalanin na awtoridad sa LMWD.
Ngunit ibinasura ito noong 19 Disyembre 2017 dahil walang basehan na sila ang kikilalanin na BODs ng LMWD at nitong 9 Enero, hindi rin pinayagan ang Motion for Reconsideration ng nasabing mga pekeng BODs.
Sa kabila ng desisyon ng RTC Tacloban, ang pekeng BODs ay pinasok ang LMWD nitong 17 Enero 17 sa pamamagitan ng puwersa at iginiit na sila ang mga lehitimong BODs.
Nilinlang din ng pekeng BODs ang mga empleyado ng ahensiya na kanilang ibibigay ang benepisyo sa ilalim ng Collective Negotiation Agreement (CNA) upang makuha ang kanilang suporta ngunit hindi ito nangyari dahil hindi kinilala ang pirma ng pekeng BOD at dating GM Homeres ng mga banko at iba pang institusyon ng gobyerno.
Lumalabas, unang inianunsiyo ng lehitimong BODs ng LMWD ang pagbibigay ng benepisyo pero dahil sa nangyaring take-over ng mga peke ay hindi nila ito naisakatuparan.
Nitong 18 Enero, ang pekeng BODs ay nagsumite ng Motion to Dismiss, na naglalayong i-withdraw ang petisyon sa korte para kilalanin silang lehitimo ngunit hindi pinayagan ng RTC Tacloban.
Anila, “Now, we, the legitimate LMWD BODs, would like to ensure LMWD customers, LMWD employees, and the general public, that amid the chaos and confusion caused by the fake BODs, we will continue to fulfill our mandate and serve the best interest of the people.”
(JETHRO SINOCRUZ)