SUPER na-enjoy namin ang pakikinig sa Freshmen na binubuo nina Sam Ayson, Patrick Abeleda, Thirdy Casa, Levy Montilla, at Gerick Gernale sa presscon ng All We Need Is Love…Love Is All We Need concert na magaganap sa Pebrero 8 at 9, 8:00 p.m. sa Music Museum handog ng Today’s Production & Entertainment.
Hindi ito ang unang pagkakataong narinig namin ang magandang tinig ng Freshmen pero sa tuwina, nakaka-refresh ang kanilang mga boses. Lalo na nang pagbigyan nila ang kahilingan namin na kantahin nila ang Perfect ni Ed Sheeran na kuhang-kuha nila at gayang-gaya.
Anila, kasama iyon sa mga maririnig sa concert at asahan pa ang ibang magagandang kanta.
Hindi rin nakapagtataka kung lagi silang isinasama ni Ms. Vicky Solis sa mga ipinoprodyus na concert dahil bukod sa magaling kumanta, mababait pa ang mga ito.
Kaya nga hangad namin na mabigyan sila ng break at maging matagumpay sa music industry dahil tunay na magaling ang grupong ito.
Kaya kung gusto ninyong mapatunayan ang sinasabi naming ito’y manood na kayo ng All We Need Is Love…Love Is All We Need. Bukod sa Freshmen, mapapanood din ang The Philippine Madrigal Singers na hindi na rin kuwestiyon ang galing sa musika. MADZ kung sila’y tawagin na binubuo ng mga estudyante, faculty at alumni mula sa University of the Philippines. At bilang Philippine ambassador of culture and goodwill, may pagkakataon silang makapagtanghal sa mga royalty at heads of state. Kamakailan nga, nagwagi sila sa Grand Prix sa 64thInternational Choral Competition sa Arezzo Italy na nag-qualify sa kanila para sa European Grand Prix na ginawa naman sa Tolosa, Spain last year.
Mapakikinggan din sa fund raising concert na ito sina Bimbo Cerrudo, Nicole Laurel Asencio, Joey de Guzman, at ang RLSAA Chamber Orchestra na kinabibilangan ng mga young artist.
Ang RLSAA Chamber Orchestra ay nagpe-perform din sa iba’t ibang event ng DepEd (National, regional at division levels), at parte rin ng concert for a cause ng Bikes for the Philippines Foundation Inc., o ang MUSIKLETA na ginanap sa OnStage Greenbelt One, Makati noong December 20, 2016. Ang grupong ito ay nasa pangangalaga ni Giuseppe Andre Diestro, art area specialist na ang passion ay mag-develop ng mga young artist skills sa music bilang reflection niya at pagbabalik-pabor sa bansa bilang produkto siya ng Angono Folk Artist.
Ang benefit concert na ito ay para sa iba’t ibang programa at proyekto ng Helping One Person Everyday (HOPE) Movement tulad ng Healing on Wheels—medical mission for the elderlies in the metropolis and in the provinces; Food on Wheels—feeding program for indigents; Home on Wheels—finding shelter for abandoned elderlies and orphans; Justice on Wheels—free consultation on legal matters; Livelihood on Wheels—focus on jobs creation related to wellness and food industries; at Art Workshop.
Para sa tiket, tumawag lamang sa 09178118336/6542051. Ito’y nagkakahalaga ng P5,000 (donor); P3,000 (VIP 1); P2,000 (VIP 2); P1,000 (Orchestra A & H/Balcony.