Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Brian Gazmen, gustong maging inspirasyon sa mga millennial

ABALA man sa kanyang mga constituent, hindi napigilan si Iriga City Mayor Madelaine Alfelor-Gazmen para siya mismo ang mag-asikaso ng presscon ng kanyang anak na si Brian Gazmen.

Ganoon naman talaga ang mga nanay, gustong makitang nasa magandang kalagayan ang mga anak. Kaya naman masuwerte si Brian na full support ang ibinibigay sa kanya ng ina.

Actually, malaki ang laban ni Brian sa mundo ng showbiz dahil hindi lang looks ang puhunan niya, magaling din siyang kumanta kaya tiyak na magkaka-interes sa kanya ang tulad niyang millennials ‘pag narinig ang unang single niya, ang Ayoko Nang Makakita Ng Love Song.

Ani Brian, handog niya ito para sa lahat ng millennials na may mga hugot sa lovelife.

Nakatutuwang kakuwentuhan si Brian at nailahad niyang sa teatro una siyang sumubok at ito ang nakapagbukas sa kanya ng pintuan sa larangan ng pag-arte.

Ang tinutukoy ni Brian ay ang Trumpets”Nakasama ako sa ‘Hairspray’ The Musical. At doon ko naisip na gusto kong umarte at maging singer at the same time,” kuwento ng binata na kasalukuyang Grade 12 sa Ateneo de Manila at balak kumuha ng Business Management sa kolehiyo.

Bagamat may impluwensiya ang pamilya, hindi iyon ginamit ni Brian dahil talagang nag-a-audition siya. ”Nagsimula rin ako sa wala, from scratch. Nag-a-audition ako at nare-reject. And I’m proud na napagdaanan ko rin ‘yung step by step. Naghirap din ako, and na-enjoy ko ‘yung part ng pagsisimula ko,” ani Brian.

Aniya, dumaan siya sa series of workshop kay Ogie Diaz na nakatulong para makasama sa ilang show sa ABS-CBN tulad ng Ipaglaban Mo atLa Luna Sangre. Napanood din siya sa mga pelikulang Seven Sundays at Love You to the Stars and Back.

At ngayong nakabuo na siya ng single, rito muna ang konsentrasyon niya. Sa darating na January 26 ay ilulunsad na ang first single niya, ang break up song na Ayoko Nang Makakita Ng Love Song.

“Gusto ko talaga ng millennial breakup song na upbeat at kakaiba. Kasi I broke the rule that if you sing a breakup song, kailangan laging senti na mababa. Ginawa ko siyang upbeat para may pag-asa sa mga millennial kasi ‘pag nabibigo sila, end of world na sa kanila, naiiyak na sila.

“At least gagaan ang loob nila, mas go on with life lang. Masaya pa rin dapat. Kahit na may breakup, at least there’s many fish in the sea. Kasi malaki talaga ang influence ng emotion sa tao, kung anong na-ko-convey ng words from the music, parang nakaka-comfort din sa pakiramdam,” paliwanag ni Brian.

Natanong si Brian kung sino-sino ba ang idolo niya sa pagkanta at nasabi nitong si Sarah Geronimo at si Inigo Pascual.

“Pero kung may isang OPM icon na talagang hinahangaan ko si Mr. Pure Energy Gary Valenciano ‘yun.

“Since nine years old ako, na-influence ako kay Gary V. kasi never kami naka-miss ng concert ni Gary V. Tapos ‘yung mga crooner like si Michael Buble and si John Legend din,” sambit pa ng binata.

Bukod sa singing, gusto ring makapasok ni Brian sa Pinoy Big Brother.

“Dream ko talaga mag-audition sa ‘PBB’ kasi gusto kong maging independent tapos siyempre ang mga millennial ngayon hindi nila kaya na walang phone. Gusto ko walang phone,” saad pa ni Brian.

Idinagdag pa ni Brian na malaki ang pasasalamat niya sa kanyang magulang dahil napaka-supportive ng mga ito. ”Hindi po nila ako pinipigilan dahil nakita nilang passion ko ito noon pa, lalo na ang pagkanta. Very supportive sila sa akin, ang parents ko at ang older brother and sister ko.

“Ang advice lang nila sa akin, lalo na si Mommy, huwag akong magbabago kung maging successful na ako, laging magpakumbaba at laging magdasal. At hindi ko dapat pabayaan ang studies ko.”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …